-
Track Name
Tagapagtanggol ng Bayan
-
Artist
Karl Ramirez
Tagapagtanggol ng Bayan is a song I wrote for the National Union of People’s Lawyers (NUPL), a nationwide voluntary association of human rights lawyers in the Philippines committed to the defense, protection, and promotion of human rights, especially of the poor and the oppressed.
- Written and performed by Karl Ramirez
- Year: 2010
Tagapagtanggol ng Bayan (lyrics)
Ang batas ba kapag pinatutupad bakit kailangang magkakaiba?
Ang batas nga ba ay pwede mo baluktutin katapat ay pera?
Kayrami mo bang tanong?
Nanaisin mo pa bang maging isang tagapagtanggol?
Ang batas ba ay mas panig sa mapang-api kesa sa masa?
Ang batas nga ba mas madalas ay kakampi ng mga mapagsamantala?
Kayraming dapat itanong
At ngayon ang inyong panahon
Kailangan ng ating sambayanan
Ang buong pusong tagapagtanggol ng bayan
Ang katarungan ay para sa lahat
Sa lahat kasama ang api at mahihirap
Sila ay madalas tinatapaktapakan lang
Sila ang madalas inyong pagtatanggol ay kailangan
Kanilang kailangan
Kaya halina at maglingkod
Maglingkod tayo sa nangangailangan
Nangangailangan ang karamihan
Sa kayraming sulok ng ating bayan
Kapag may inaapi
Tayo’y kanilang kakampi
Tagapagtanggol ng bayan