Now Playing Tracks

  • Track Name

    Tagapagtanggol ng Bayan

  • Artist

    Karl Ramirez

Tagapagtanggol ng Bayan is a song I wrote for the National Union of People’s Lawyers (NUPL), a nationwide voluntary association of human rights lawyers in the Philippines committed to the defense, protection, and promotion of human rights, especially of the poor and the oppressed.

  • Written and performed by Karl Ramirez
  • Year: 2010

Tagapagtanggol ng Bayan (lyrics)

Ang batas ba kapag pinatutupad bakit kailangang magkakaiba?
Ang batas nga ba ay pwede mo baluktutin katapat ay pera?
Kayrami mo bang tanong?
Nanaisin mo pa bang maging isang tagapagtanggol?

Ang batas ba ay mas panig sa mapang-api kesa sa masa?
Ang batas nga ba mas madalas ay kakampi ng mga mapagsamantala?

Kayraming dapat itanong
At ngayon ang inyong panahon
Kailangan ng ating sambayanan
Ang buong pusong tagapagtanggol ng bayan

Ang katarungan ay para sa lahat
Sa lahat kasama ang api at mahihirap
Sila ay madalas tinatapaktapakan lang
Sila ang madalas inyong pagtatanggol ay kailangan
Kanilang kailangan

Kaya halina at maglingkod
Maglingkod tayo sa nangangailangan
Nangangailangan ang karamihan
Sa kayraming sulok ng ating bayan
Kapag may inaapi
Tayo’y kanilang kakampi
Tagapagtanggol ng bayan

  • Track Name

    Alagaan ang Kalikasan/Pansinin ang Kalikasan

  • Artist

    Karl Ramirez

Alagaan ang Kalikasan (Pansinin ang Kalikasan) is the official theme of CDRC’s 30-minute disaster preparedness segment airing at Radio Veritas DZRV 846 khz every Friday 7:30am. It has been a year since I’ve written and recorded this song and I think the best way to celebrate its timely message is to sing and record it one more time. A jazzy fun beat this time around. :-) Have fun listening!

  • Written, arranged, and performed by Karl Ramirez
  • Year: 2009

Alagaan ang Kalikasan (lyrics)

Napapansin nyo bang nagbabago
Ang ikot ng ating mundo
Tuyong tuyo ang tag-ulan
At binabaha naman ang anihan

Nagagalit ang kalikasan
Dahil sa problemang dala ng kasakiman
Ano ba ang pwede ko at pwede nating gawin?
Kabuhayan ba’y maari pa bang sagipin?

Paano pa ba makaliligtas
Kung tubig baha sa amin, oy kay taas
Pambihirang kalagayan nga ba ang ating binabanga
Makaligtas pa ba… ano kaya?

Nagpapapansin ang kalikasan
Halina at ating balikan
Sama sama nating alagaan
Upang panganib ay ating malampasan

Nagpapapansin ang kalikasan
Halina at ating balikan
Sama sama nating alagaan
Upang panganib ay ating
Panganib ay ating
malampasan

Patalastas is my first original musical score. Recorded in 2003, this short composition was an attempt to familiarize myself with digital audio and multi-track editing. The process I was following then was a very crude one. In fact, I used Adobe Premiere 6, a video editing software to arrange my compositions that year. Everything changed after bumping into Cakewalk in 2004. :-)

To Tumblr, Love Pixel Union